Iwas reload, iwas pila, diretsong tap na sa MRT-3 gamit ang GCash Mas madali na ang pagsakay sa MRT-3 gamit ang GCash Commute, ang cashless na paraan ng pagbayad sa mga istasyon ng tren. Sa serbisyong ito, hindi na kailangang pumila para mag-reload o pumila para sa stored value cards. Ang laman ng iyong GCash wallet, puwede nang gawing pambayad sa biyahe. May tatlong paraan ng pagbabayad gamit ang GCash app: 1. Scan gamit ang Commute QR code 2. Tap gamit ang GCash Visa Card o any Visa o Mastercard 3. Tap gamit ang NFC-enabled Android phones